Philippe Lhuillier mananatiling Philippine envoy sa Spain

Philippe Lhuillier mananatiling Philippine envoy sa Spain

July 21, 2022 @ 2:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinanatili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Philippe Lhuillier bilang Philippine Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary (AEP) sa Spain.

“Batid natin ang galing ni G. Philippe Lhuillier kung kaya’t siya ay muli nating itinalaga sa posisyong Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary para sa bansang Spain,” pahayag ni Marcos.

“Tiyak kong kanyang gagampanan nang buong puso at igugugol ang kanyang husay para sa bansa,” dagdag niya.

Nanumpa si Lhuillier sa harap ng Pangulo nitong Miyerkules sa Malakanyang. RNT/SA