Philippine Genomic Surveillance Consortium Stakeholder Summit, ikinasa ng DOH

Philippine Genomic Surveillance Consortium Stakeholder Summit, ikinasa ng DOH

February 21, 2023 @ 7:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagsagawa ang Department of Health (DOH) ng Philippine Genomic Surveillance Consortium Stakeholder Summit sa Quezon City na suportado ng WHO Philippines at ang United States Agency for International Development (USAID).

Alinsunod ito sa global genomic survellaince strategy ng World Health Organization (WHO) para sa mga pathogen na may pandemic at epidemic potential para sa 2022 hanggang 2032.

Layon ng pagtatatag ng Consortium na suportahan ang ahensya sa pagbuo ng isang roadmap upang palawakin ang pamamahala na binuo sa pamamagitan ng
COVID-19 pandemic para sa genomic surveillance ng iba pang mga pathogens na maaring makabuluhang makaaapekto sa kalusugan ng publiko.

Kasama sa summit ang consultative discussion sa pagmamapa ng mga kasalukuyang kapasidad at kakayan ng genomic, mga hamon at pagkakataon sa Pilipinas na binibigyang-diin ang mga kaayusan sa pamamahala sa loob at sa mga organisasyon, pagpopondo upang suportahan ang mga aktibidad ng genomic sa kalusugan ng publiko, pag-uulat ng genomic data at paggamit para sa health decision making o pagpapatupad ng aktibidad at ang papel ng enablers at barriers.

Nangako ang DOH na pangangalagaan ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng whole-of-government at whole-of-society approach,sa pakikipagtulungan sa mga nabanggit na stakeholder.

Dagdag pa rito, tinitiyak ng DOH na ang pagbabahagi ng kadalubhasaan at kaalaman ay para sa kapakinabangan ng mga Juan at Juana habang pinaunlad pa ang public health system. Jocelyn Tabangcura-Domenden