Philippine Identification System Act, malaki ang pakinabang – Malacañang

Philippine Identification System Act, malaki ang pakinabang – Malacañang

August 6, 2018 @ 2:25 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Kumbinsido ang Malakanyang na malaki ang maitutulong ng Philippine Identification System Act upang magkaroon ng transparency at epektibong sistema sa public service.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque na milyon-milyong Pilipino ang tiyak na makikinabang sa nasabing bagong batas.

Sa ilalim ng Philippine Identification System Act, iisang ID na lamang ang kinakailangang iprisinta sa mga transaksyon sa gobyerno.

Sa ganitong paraan aniya ay mahihirapan ang mga kriminal na gumawa ng kalokohan. (Kris Jose)