Philippine Nurses Association ‘di pabor sa pagtatanggal ng board exams

Philippine Nurses Association ‘di pabor sa pagtatanggal ng board exams

July 8, 2021 @ 11:53 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Hindi pabor ang Philippine Nurses Association (PNA) sa proposal ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tanggalin ang licensure exams sa health professionals.

Sa panayam ng Super Radyo dzBB, sinabi ni PNA national president Melbert Reyes na hindi pinaburan ng Board of Nursing ang naturang panukala.

“Hindi puwede ‘yan, buhay kasi ang hinahawakan namin eh. We need to ensure that health professionals are competent enough.”

“Bababa po ‘yung quality, actually, ‘pag hindi tayo nag-board exam. Bababa ‘yung level natin [The quality and our level will go down if we don’t have board exams],” dagdag pa nito.

Paliwanag pa ni Bello, mahabang panahon na ang ginugol ng mga estudyante mula pa sila ay kolehiyo hanggang makapagtapos.

Dagdag pa ni Bello, pati pagkuha ng bar examination ng mga nagnanais maging abogado ay hindi na rin dapat pang isinasagawa.

“Dapat alisin na ‘yung mga board exam sa mga engineer, board exam ng mga dentistry, bar exam. Eight years ka nang nag-aaral para maging abogado, pumasa ka na sa lahat ng exam, kukuha ka pa ng Bar? tapos minsang magkakamali ka siyempre during the exam medyo sumama ang pakiramdam mo, babagsak ka…eh nasaan ang katarungan ‘dyan?” lahad pa ng opisyal. RNT/FGDC