Philippine, Pakistan Navy  nagsagawa ng naval exercises

Philippine, Pakistan Navy  nagsagawa ng naval exercises

November 28, 2021 @ 12:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagsagawa ang multi-capable frigate BRP Jose Rizal ng Philippine Navy ng passing exercises at iba pang naval drills kasama ang PNS Tughril ng Pakistan Navy sa Matinloc Platform, El Nido, Palawan nitong Biyernes.

Makikita sa isinagawang bilateral naval exercise ang dedikasyon ng Philippine Navy sa pagsusulong ng kapayapaan, mutual respect, at estabilidad sa buong Indo-Pacific region, ayon sa Philippine Navy.

Ayon sa kanila, ito ay patunay ng pagpapayaman sa kaligtasan at seguridad sa baybayin ng Pilipinas.

Nagsagawa rin ng ilang naval exercises kagaya ng semaphore exercise, flag hoisting exercise, at simple maneuvers upang suriin ang abilidad ng mga barko sa ship-handling at seamanship.

Kinilala naman ng Philippine Navy ang pinaka-advanced na frigate ng Pakistan sa pamamagitan ng man the rail—isang tradisyon ng pagkilala ng mga navies—bilang pagkilala sa magandang samahan at matibay na pagkakaugnay sa pagitan ng dalawang bansa. RNT/SA