Philippine Reclamation Authority binatikos ni Villar sa infra projects

Philippine Reclamation Authority binatikos ni Villar sa infra projects

November 9, 2022 @ 6:34 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Binatikos ni Senador Cynthia Villar nitong Miyerkoles ang Philippine Reclamation Authority’s (PRA) hinggil sa pamamahala nito sa ilang construction projects ng pamahalaan sa Las Pinas City.

Sa ginaganap na plenary session hinggil sa deliberasyon ng 2023 national budget, matinding kinagalitan ni Villar ang PRA sa kanyang naging karanasan sa pakikipag-ugnayan sa naturang ahensiya.

Inihalimbawa ni Villar ang pagbili nito ng1,5000 square meter na lupain sa halagang P78 milyon mula sa PRA sa kasagsagan ng pandemya ng CXOVID-19 upang magtayo ng ospital.

Aniya, hindi pumayag ang PRA sa pagtatayo ng ospital dahil hindi nailalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang naturang pondo.

“I just want to inquire why this Philippine Reclamation Authority is not serving our country for [the] public good?” tanong niya.

“So, I’m asking this question: Why these things happen in government? Hindi ba ‘pag government-to-government, wala nang problema ‘yan? Bakit kailangan niya pa makita ‘yung pera ng DBM bago niya ma-start ‘yung hospital namin?” dagdag ni Villar.

Kasunod nito, inihalimbawa din ni Villar ang pagbili ng lupain sa PRA na pagtatayuan ng district office ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ngunit, ipinagbawal din ng PRA ang naturang proyekto dahil may utang na P4 bilyon ang DPWH sa naturang ahensiya hinggil sa Cavite Expressway.

“Gusto niya bayaran muna ‘yung P4 billion bago kami i-allow mag-build ng district office doon sa lupa na binili namin sa kanya by DPWH. Tama ba ‘yun?” tanong ni Villar.

Tiniyak naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na tatalakayin ang naturang isyu sa deliberasyon ng badyet ng PRA. Ernie Reyes