Philippine Robotics Team, humakot ng medalya sa China!

Philippine Robotics Team, humakot ng medalya sa China!

July 25, 2018 @ 8:30 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Humakot ng parangal ang pambato ng Pilipinas sa ginanap na 2018 International Robotics Championship sa China.

Nakakuha ang Philippine Robotics Team ng kabuuang 23 medalya sa ginanap na seven-day competition, July 16-22, kung saan pinagdaanan ng mga kalahok ang apat na araw na nonstop coding at assembly, mahihirap na robot mission at defense at limang round ng DRC challenges.

Nakapag-uwi ang mga miyembro ng dalawang gold medals, apat na silver, tatlong bronze, at 14 technical merit awards.

Nanalo si Bjorn Isaac Escalona ng gold sa Sumo 3Kg Open (DLSZ), habang si Beatrize Ysabelle Escalona naman ay nakakuha ng gold sa Sumo Challenge (De La Salle Zobel).

Samantala, si Javier Alejandro A. Cuyno ay nanalo ng silver medal in Sumo Junior (DLSZ) habang sina Alonso M. Pioquinto, Luc Benjamin Bunag, at Emmannuel Jace Savellano ay nanalo ng silver medal bawat isa sa kanilang respective Creative Design (DLSZ) contests.

Bukod pa rito, nanalo rin ng bronze sina Robert Philip C. Lim (Sumo Junior DLSZ), Bianca Ysabel S. Roxas (Engineering Mission Challenge Jr. DLSZ), at Reese Reilly L. Albano (Engineering Mission Challenge Jr. DLSZ).

Ang mga nanalo naman ng Technical Merit Award para sa Creative Design ay ang mga sumusunod:

  1. Beatrize Ysabelle Escalona – DLSZ
    2. Bjorn Isaac Escalona – DLSZ
    3. Mary Janiyah Kate Aguto – DLSZ
    4. Reese Reilly Albano – DLSZ
    5. Robert Philip Lim – DLSZ
    6. Enzo Joaquim David Petrache – DLSZ
    7. Eduardo Mattero Valdez – DLSZ
    8. Joshua Luzon – DLSZ
    9. Chito Roxas Jr – DLSZ
    10. Javier Alejandro Cuyno  DLSZ
    11. Jacob Isaac Ruiz – DLSZ
    12. Bianca Ysabel Roxas – DLSZ
    13. Sabrina Annika Henson – DLSZ
    14. Samantha Gabrielle Ruiz – DLSZ (Remate News Team)