Philippine tariff perks sa EU, tatalakayin ni PBBM

Philippine tariff perks sa EU, tatalakayin ni PBBM

December 12, 2022 @ 2:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ididiga niya ang Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+), isang mekanismo na naglalayong payagan ang duty-free exports sa European Union, kasama ang ibang world leaders.

Si Pangulong Marcos ay kasalukuyang nasa Brussels, Belgium para dumalo sa Commemorative Summit sa pagitan ng Association of Southeast Asian at European Union.

“We’ll bring it up with the EU. I don’t think one thing should be related to the other but we’ll see,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.

Matatandaang buwan ng Pebrero nang pag-isipan ng European Parliament na alisin ang ilang trading privileges ng Pilipinas kapag nabigo ang pamahalaan na tugunan ang human rights violations sa bansa.

Sa ilalim ng GSP+,” a mechanism that gives developing countries the privilege of exporting zero-duty merchandise to EU-member states, some of Philippine exports to Europe are benefiting from tariff breaks.”

Sa kaso ng bansa, sakop ng GSP+ ang 6,274 “locally-made products.”

Ang partisipasyon ng bansa sa GSP+ ay nakatakdang mapaso sa Disyembre 2023. Kris Jose