PhilPost: Quiz game sa socmed nag-aalok ng pera, ‘wag patulan, scam!

PhilPost: Quiz game sa socmed nag-aalok ng pera, ‘wag patulan, scam!

August 12, 2022 @ 5:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binalaan ng Philippine Postal Office (PhilPost) ang publiko kaugnay sa isang quiz game sa soial media apps.

Sa babala ng PhilPost sa kanilang official page, sinasabing hindi mamimigay ng financial aid ang PhilPost.

Ang babala ng PhilPost ay kasunod ng link na kumakalat at sini-share sa social media na kailangan mo lang sumagot ng apat na katanungan at may tsansa ka ng manalo ng P7,000 na ayuda.

Ito rin umano ay maaring ma-claim kapag ishinare naman ang link sa ibang tao.

Bukod dito , magkaron ng access ang mga scammers sa mga personal na impormasyon na hihingin ng website sa oras na i-click ang link.

Paalala ng PhilPost na hinding-hindi gagawin ng kanilang ahensya ang tumawag, mag-txt o mag-email at humingi ng personal na impormasyon o mag-request ng bayad o magpa-click ng anumang email link para makapag claim ng anumang package. Jocelyn Tabangcura-Domenden