PhilSA, nagbabala sa posibleng debris mula sa Chinese satellite launch

PhilSA, nagbabala sa posibleng debris mula sa Chinese satellite launch

December 29, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Maaaring bumagsak sa bisinidad ng West Philippine Sea (WPS) ang “unburned rocket debris” mula sa satellite launch ng Tsina.

Ito ang Iniulat ng Philippine Space Agency (PhilSA), araw ng Huwebes.

Sa isang advisory na ipinalabas ng Civil Aviation Administration of China, ang rocket boosters at payload fairing mula sa Long March 3B ay “expected to fall within a drop zone area located within the vicinity of Recto bank – approximately 137 kilometers from Ayungin Shoal and 200 kilometers from Quezon, Palawan.”

Ang rocket launch mula sa Xichang Satellite Launch Center sa Xichang, Sichuan Province, China, ay nakatakda sa pagitan ng “12:33 p.m. aat 01:10 p.m., araw ng Huwebes.

“Falling debris poses danger and potential risk to ships, aircraft, fishing boats, and other vessels that will pass through the drop zone,” babala ng PhilSA.

“It is not projected to fall within land features or inhabited areas within the Philippine territory, but there is also a possibility for the debris to float around the area and wash toward nearby coasts,” dagdag na pahayag ng PhilSA.

“The possibility of an uncontrolled re-entry to the atmosphere of the rocket’s upper stages returning from outer space cannot be ruled out at this time,” ayon pa rin sa PhilSA.

Pinayuhan din nito ang publiko na kaagad na ipagbigay-alam sa local authorities kung may namataan ang mga ito na pinaghihinalaang debris.

Pinag-iingat din ng PhilSa ang publiko laban sa pag-retrieve o paglapit “in close contact” sa debris na mayroong remnants ng toxic substances gaya ng rocket fuel. Kris Jose