Phishing attacks sa e-commerce, banking ng bansa lumobo sa Q2 – Kaspersky

Phishing attacks sa e-commerce, banking ng bansa lumobo sa Q2 – Kaspersky

October 24, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng malakihang pagtaas ang Cybersecurity firm Kaspersky ng mga phishing attacks partikular na sa sektor ng e-commerce at banking sa bansa sa ikalawang bahagi ng 2022.

Ayon sa kompanya, nasa 77,092 phishing incidents ang kanilang naitala mula Abril hanggang Hunyo, 2022 mula sa 15,119 na insidente mula Enero hanggang Marso ng kaparehong taon o 409% na paglobo sa numero.

Sa local bank customers ng Kaspersky naman, mayroong naitala na 8,454 na phishing incidents sa ikalawang bahagi ng taon mas mataas sa 4,746 nitong unang bahagi.

Bumaba naman ng 19% ang pag-atake sa mga Philippine-based payment systems.

“There were 132,125 detected phishing attempts in Q1 among Kaspersky users in the payment system sector. Three months later, it trickled down to 105,986 incidents,” ayon sa Kaspersky.

“Despite our regained physical freedom, we know that we still prefer to do our banking, shopping, and financial activities online because of its unparalleled convenience,” pahayag naman ni Yeo Siang Tiong, General Manager for Southeast Asia ng Kaspersky.

Ang phishing attack ay ang pagkuha ng impormasyon ng isang user katulad ng password, credit card number, bank account details at iba pang impormasyon upang makapanglimas ng pera. RNT/JGC