Phishing scam sa SIM card registration ibinabala

Phishing scam sa SIM card registration ibinabala

December 23, 2022 @ 12:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko nitong Biyernes, Disyembre 23 na mag-ingat sa scam at phishing na may kaugnayan sa SIM card registration sa susunod na linggo.

Sa abiso ng DICT, sinabi nito na posibleng may magpapadala ng email na hihimukin ang biktima na lumahok sa pre-registration process upang ma-reactivate ang kanilang e-wallet at mobile payment applications kasabay ng pagpaparehistro ng kani-kanilang SIM card.

“[Subscribers] are advised not to provide personal information to the senders nor click on links that may be included in the email messages,” ayon sa ahensya.

Sa Martes, Disyembre 27 ay sisimulan na ng mga network operators ang pagpaparehistro ng mga SIM card. RNT/JGC