Phishing schemes sa mga guro sa Land Bank accounts pinaimbestigahan na sa NBI

Phishing schemes sa mga guro sa Land Bank accounts pinaimbestigahan na sa NBI

January 27, 2022 @ 1:18 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inatasan na ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang phishing schemes na bumibiktima sa ilang guro sa kanilang deposit accounts sa Land Bank of the Philippines.

Sa Department Order No. 012, sinabing ang NBI ay  nabigyan ng awtoridad na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa umanoy’ phishing scheme sa mga guro.

Kalakip sa utos kay NBI Officer-in-Charge Director Eric B. Distor ay ang pagsusumite ng report sa “progress of the subject investigation and case build-up to the Office of the Secretary within thirty (30) days from receipt hereof, and periodically thereafter.”

Maaalalang kinumpirma ng Land Bank na ilang guro ang nabiktima ng phising.

 “According to the initial investigation by Landbank, the devices of the teachers were hacked via phishing, which compromised their personal information,” lahad ng banko.

“The bank has already reached out to the affected customers and is working on the resolution of these isolated cases at the soonest possible time.”

May paalala naman ito sa mga depositor.

 “Refrain from opening suspicious emails, links and attachments, and sharing your account and personal information. Official Landbank representatives will never ask for the critical financial information of customers.” RNT/FGDC