Phivolcs: 11 pagyanig naitala sa Bulkang Bulusan

Phivolcs: 11 pagyanig naitala sa Bulkang Bulusan

July 15, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala ito ng hindi bababa sa 11 volcanic earthquakes sa bulakang Bulusan sa loob ng 24 oras.

Gayundin, nagbuga ang bulkan sa Bicol ng 499 tons ng sulfur dioxide hanggang nitong Hulyo 13, ayon sa pinakabagong ulat ng ahensya.

Nakapagtala rin ng moderate emission ng plumes na aabot sa 300 metro patungong norte.

Nananatili ang Alert Level 1 o low-level unrest sa Bulusan.

Patuloy na ipinagbabawal ang paglapit sa four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ). RNT/SA