PHIVOLCS naglabas ng lahar advisory sa Mayon

PHIVOLCS naglabas ng lahar advisory sa Mayon

October 29, 2022 @ 8:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Dahil sa matinding ulan na dulot ng Tropical Storm Paeng, naglabas na ng lahar advisory ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Bulkang Mayon.

Ayon sa PHIVOLCS, ang ulan na dulot ng bagyong Paeng ay maaaring magdulot ng volcanic sediment flows o pagragasa ng lahat, muddy steamflows at mga putik sa ilog at mga drainage areas malapit sa bulkan.

Dahil dito ay inatasan ang mga residente ng mga komunidad na nasa pre-determined zones of lahar na maging maingat at magbantay sa posibilidad ng lahar flow.

“Prolonged and heavy rainfall may generate non-eruption lahars along river/stream channels draining the Mayon edifice,” ayon sa abiso ng PHIVOLCS.

“Potential lahars and sediment laden streamflows may occur along the Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, and Basud, Bantayan Channels in Albay Province,” dagdag pa.

Ibinabala rin ng ahensya ang banta sa mga komunidad na nasa middle at lower slopes ng bulkan.

“DOST-PHIVOLCS strongly advises communities and local government units of the… identified areas of risk to continually monitor the [weather] conditions and take pre-emptive response measures for their safety from ‘PAENG.'” RNT/JGC