Phivolcs nakapagtala ng 2,406 aftershocks kasunod ng Abra quake

Phivolcs nakapagtala ng 2,406 aftershocks kasunod ng Abra quake

August 3, 2022 @ 4:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala na ng mahigit 2,400 aftershocks mula nang tumama ang magnitude 7 na lindol sa Abra nitong nkaraang linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules.

Binanggit ni Phivolcs Undersecretary Renato Solidum na ang pinakamalakas na aftershock na naitala ay magnitude 5.1.

“Marami na pong nangyaring mga aftershocks sa Abra at sa kapaligid na mga probinsya. Mga 2,400 na aftershocks na ang naitala since July 27,” pahayag niya sa Laging Handa public briefing.

Batay sa tally ng Phivolcs, ang eksaktong bilang ng aftershock kasunod ng magnitude 7 tna lindol ay 2,406 hanggang nitong Miyerkules. Sa kabuuang bilang, 58 ang naramdaman sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay Solidum, umuunti na ang nairerehistrong aftershockskada araw at inaasahang mas bababa pa ang bilang.

“Ito naman pong mga aftershocks ay talagang expected. Ang pinakamaraming aftershock ay nangyari nung unang araw at after that ay bumababa naman ‘yung bilang,” aniya.

“Ang kailangan nating paghandaan ay kung may mas matataas pang aftershock na magdulot ng Intensity 6. ‘Yun po ay delikado sa mga siguro nasira na mga bahay at gusali,” babala niya.

“Kaya nga po ang marapat diyan ay huwag munang gamitin until maayos o ‘di kaya ay maipagawa nang mabuti,” giit pa ni Solidum.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nananatili sa 10 ang bilang ng mga nasawi sa kalamidad, habang 109,009 naman ang bilang ng mga apektadong pamilya. RNT/SA