Phivolcs nakapagtala ng 28 pagyanig sa Bulkang Taal

Phivolcs nakapagtala ng 28 pagyanig sa Bulkang Taal

August 17, 2022 @ 3:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Patuloy ang pag-aalboroto ng Taal Volcano sa Batangas, matapos makapagtala ng volcanic tremors at plumes sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Miyerkules.

Naitala ang 28 pagyanig na tumagal ng apat hanggang 12 minuto, kasabay ng low-level background tremor, ayon sa PHIVOLCS.

Naobserbahan din ang usok na aabot hanggang 2,800 metro ang taas mula sa bulkan, patungong north at northeast.

Sinabi ng PHIVOLCS na nagbuga ang Taal Volcano ng 4,312 tonnes ng sulfur dioxide nitong Martes.

Inilahad ng ahensya na nananatili ang bulkan sa Alert Level 1 (low-level unrest).

Nagbabala rin ito ukol sa panganib ng paglapit sa bulkang Taal. RNT/SA