Phivolcs nakapagtala ng 600 aftershocks kasunod ng Abra quake

Phivolcs nakapagtala ng 600 aftershocks kasunod ng Abra quake

October 27, 2022 @ 4:13 PM 1 month ago


MANILA , Philippines- Nagdulot ng 600 aftershocks hanggang nitong Huwebes ang malakas na lindol na tumama sa northern Luzon ngayong linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanolgy and Seismology (Phivolcs).

Niyanig ng 6.4-magnitude quake ang bayan ng Dolores sa lalawigan ng Abra, nitong Martes, na nagdulot ng pinsala sa daang istraktura at nag-iwan ng 44 indibidwal na sugatan, base sa mga awtoridad.

“Since that earthquake, as of 7 a.m. today, we have recorded 616 aftershocks,” ani Phivolcs officer-in-charge Dr. Teresito Bacolcol.

Sa kabuuang bilang, 7 ang naramdaman. Ang pinakamalakas na aftershock ay may magnitude na 4.8.

“That area, historically, at least 40 earthquakes ang na-record na namin from 1589 to 1985. So that area is seismically active,” paglalahad niya.

Ilang residente sa Abra ang labis na natatakot na bumalik sa kanilang mga tahanan dahil sa aftershocks at piniling manatili sa mga tent.

“People are asking for tents, and the reason why is they are afraid of going back to their houses because of the aftershocks, which could collapse their houses with the foundations weakened,” sabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes.

Magugunitang tumama ang 7.0-magnitude quake sa Abra nitong Hulyo na naging sanhi ng landslides at ground fissures, at pagkasawi ng 11 indibidwal. RNT/SA