Phivolcs nakapagtala ng pag-apaw ng mainit na na likido sa bulkang Taal, 6 na pagyanig

Phivolcs nakapagtala ng pag-apaw ng mainit na na likido sa bulkang Taal, 6 na pagyanig

August 13, 2022 @ 9:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ng pag-apaw ng mainit na volcanic liquids sa main crater sa lawa ng Taal Volcano sa Batangas at anim na volcanic tremors sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado.

Tumagal ang mga pagyanig ng tatlo hanggang pitong minuto, ayon sa Phivolcs.

Nakapagtala rin ng low-level background tremor incidents.

Naobserbahan naman ang usok na umaabot ng 3,000 metro ang taas patungong north, northeast, at southwest.

Inihayag din ng Phivolcs na nagbuga ang bulkan ng 13,572 tonnes ng sulfur dioxide nitong Biyernes.

Nagbuga rin ito ng volcanic smog o vog.

Nauna nang inihayag ng Phivolcs na ang vog ay binubuo ng droplets na mayroong volcanic gas kagaya ng sulfur dioxide na acidic at nagdudulot ng “irritation of the eyes, throat, and respiratory tract in severities depending on the gas concentrations and durations of exposure.”

Nanatili ang Alert Level 1 (Low-level unrest) sa Taal Volcano.

Nagpaalala naman ang ahensya sa publiko na ang Taal Volcano Island ay isang permanent danger zone at ipinagbabawal na lumapit dito, lalo na sa main crater at sa Daang Kastila fissures.

Hindi rin pinapayagan na manirahan malapit dito at ang pamamangka, ayon pa sa Phivolcs.

Bawal pa rin ang pagpapalipat ng aircraft malapit sa bulkan dahil sa panganib nito. RNT/SA