Phivolcs: Walang naitalang pagyanig sa Mayon Volcano pero Alert Level 2 umiiral pa rin

Phivolcs: Walang naitalang pagyanig sa Mayon Volcano pero Alert Level 2 umiiral pa rin

October 8, 2022 @ 11:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado na walang naitalang volcanic earthquake sa Mayon Volcano sa Albay sa nakalipas na 24 oras.

Subalit, umiiral pa rin ang Alert Level 2 (Increased Unrest), ayon sa Phivolcs.

“The public is reminded that there is current unrest driven by shallow magmatic processes that could eventually lead to phreatic eruptions or even precede hazardous magmatic eruption,” dagdag nito.

Sinabi pa ng ahensya na naobserbahan sa bulkan ang moderate emission ng white steam-laden plumes sa nakalipas na 24 oras.

Nitong Oktubre 1, ang sulfur dioxide emission ng bulkan ay 391 tons kada araw.

“Based on ground deformation parameters from EDM, Precise Leveling, electronic tilt, and continuous GPS monitoring, Mayon Volcano has been slightly inflated since 2020,” sabi ng Phivolcs.

Pinaalalahanan naman ang publiko na ipinagbabawal ang paglapit sa six-kilometer permanent danger zone.

“In case of ash fall events that may affect communities downwind of Mayon’s crater, people should cover their nose and mouth with damp, clean cloth, or dust mask,” ayon sa Phivolcs.

Delikado ring magpalipad ng aircraft malapit sa summit ng bulkan. RNT/SA