Phoenix nakakuha ng unang panalo sa Governor’s Cup

Phoenix nakakuha ng unang panalo sa Governor’s Cup

February 3, 2023 @ 3:16 PM 2 months ago


PALABAN – Hindi bumItaw sa bola si Phoenix Super LPG forward Jason Perkins sa agawan nila ng  katunggaling si Arthur Dela Cruz ng Northport Batang Pier sa isang bahagi ng kanilang bakbakan sa  2022 – 23 PBA Governors Cup sa PhilSports Arena Pasig City. REY NILLAMA

MANILA, Philippines – Nasungkit ng Phoenix Super LPG ang unang panalo matapos talunin ang NorthPort 108-97 sa nagbabagang bakbakan sa PBA Governors’ Cup na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagtala ng  tig-26 points sina Jason Perkins at Du’Vaughn Maxwell para buhatin ang Phoenix sa panalo.

Tumulong naman ng 16 points si RJ Azul habang umambag ng  13 points si Sean Manganti.

Dinomina ng Phoenix ang laro na pinalobo pa sa  27 points ang kanilang kalamangan.

Nagawa pang putulin ng NorthPort ang kalamangan sa lima 92-87 sa natitirang 7:13 minuto sa last quarter subalit hindi nagbaya ang Phoenix at siniguro na ang panalo.Rey Nillama