Phoenix sniper Wright tumakbo sa Japan

Phoenix sniper Wright tumakbo sa Japan

June 7, 2022 @ 3:32 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang maglalaro si Phoenix star guard Matthew Wright sa Japan B. League at iiwanan na nito ang PBA at kanyang koponan.

Ayon sa source, agad na gumawa ng hakbang ang Phoenix upang kumuha ng makakapalit ni Wright sa koponan at target nitong kuhanin si Rain or Shine forward Javee Mocon dahil sa pag-alis ni Wright.

Isiniwalat na ng source na nagkasundo ng dalawang termino sa isnag trade na magpapadala kay Mocon sa Phoenix kapalit ni Nick Demusis, ang first-round pick ng Fuel Masters noong 2022 at 2023 second-round pick.

Inaasahang isusumite na ang deal sa PBA Commissioner’s Office ngayon Martes.

Sinabi pa ng mga source na pagkatapos ng kanyang stint sa Gilas Pilipinas sa SEA Games, lumipad si Wright sa Japan upang makipag-ayos sa hindi bababa sa tatlong koponan na nagpahayag ng interes sa sweet-shooting na Fil-Canadian.

Ang paglipat ni Mocon sa Phoenix, sa sandaling matuloy ito, ay makatutulong na maibsan ang kakulangan ng Phoenix dahil sa pag-alis ni Wright.

Kabilang sina Calvin Abueva, Vic Manuel at Chris Banchero kamakailan sa matataas na kalibre ng mga manlalarong  na umalis sa Phoenix sa nakalipas na taon.

Si Mocon, 27, ay pinili ng Rain or Shine sa No. 6 overall sa 2018 rookie draft pagkatapos ng impresibong karera sa San Beda.

Ang 6-3 forward ay naging isang haligi para sa Elastopainters ay hindi na nabigyan ng bagong kontrata sa kanyang koponan.

Sinabi ng mga source na nais ng Phoenix na pumirma