Phoenix Suns ibinebenta ni Sarver

Phoenix Suns ibinebenta ni Sarver

September 22, 2022 @ 1:35 PM 1 week ago


LOS ANGELES – Matapos parusahan  at pagmultahin ng $10M ng NBA ang may-ari ng Phoenix Suns na si Robert Sarver dahil sa akusasyong misogynist at racist, inihayag nito na  na ibebenta niya ang koponan.

Kasunod ng mga parusang ipinataw noong nakaraang linggo, nanawagan si NBA players union chief Tamika Tremaglio na ipagbawal si Sarver habang buhay at idineklara ng mga NBA stars na sina LeBron James at Chris Paul na hindi sapat ang mga parusa.

Sinabi ng major sponsor na PayPal na hindi nito ire-renew ang deal nito sa team kung sangkot pa rin si Sarver at nanawagan si Suns vice chairman Jahm Najafi na magbitiw si Sarver.

Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na hindi niya inaasahan na dahil sa parusa ay ibebenta  ni Sarver ang club tulad ng ginawa noon sa dating may-ari ng Los Angeles Clippers na si Donald Sterling dahil sa rasista.

Ayon kay Sarver, ang pagbebenta ng koponan ay ang pinakamahusay na pagkilos para sa lahat.

“Ang labis kong ikinalulungkot ngayon ay dahil natatabunan na ang halos dalawang dekada ng pagbuo ng mga organisasyon na nagsama-sama ng mga tao,” sabi ni Sarver.

“Bilang isang taong may pananampalataya, naniniwala ako sa pagbabayad-sala at ang landas tungo sa kapatawaran. Inaasahan ko na ang isang taong pagsususpinde ng komisyoner ay magbibigay ng oras para sa akin na mag-focus, gumawa ng mga pagbabago at alisin ang aking personal na kontrobersya mula sa mga koponan na ako at ang marami. mahal ng mga tagahanga.”JC