P35M TULONG NG PCSO SA IBA’T IBANG AHENSYA AT INSTITUSYON

P35M TULONG NG PCSO SA IBA’T IBANG AHENSYA AT INSTITUSYON

July 8, 2021 @ 9:06 PM 1 year ago


MULING pinangunahan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at General Manager Royina Marzan Garma ang pamamahagi ng mga mandatory contribution ng ahensya noong July 6, 2021, sa tanggapan nito sa Mandaluyong City na may kabuuang halagang P35.39 million.

Mula ito sa bahagi ng kita ng mga “Larong May Puso” kabilang ang Lotto games at Small Town Lottery.

Tinanggap ng mga sumusunod na institusyon ang halaga:

·         Girl Scouts of the Philippines РP278,420.00

·         Philippine Red Cross РP767,110.68

·         Philippine Sports Commission РP74,549.46

·         Commission on Higher Education РP18,481,431.00

Ipinagkaloob din ang bahagi ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para sa buwan ng Enero 2021 at Pebrero 2021 na may kabuuang halagang P15.79 million pesos.

Tinanggap ng NBI ang mga tsekeng P3,255,594.54 at 3,059,821.84 habang P7,622,576.11 at P8,165,973.59 ang natanggap ng PNP.

Dumalo sa maikling programa ang assistant general managers na sina Juliet Aseo ng Charity Sector, Dr. Larry Cedro ng gaming and marketing sector, Atty. Lauro Patiag ng branch operations sector, Arnel Casas ng Management services at mga department manager na sina Belen Baltazar ng treasury department, Atty. Marissa Mendrano ng charity department at Agnes Ibera ng Corporate Planning Department.

Simula January 2021 hanggang July 1, 2021 nagkaroon ng dalawampu’t walong na Lotto millionaires na ang total winning prizes ay umabot na sa P1.5 billion.

Gayundin, mula January 2021 hanggang July 2, 2021 nasa 129,281 na ang naging benepisyaryo ng Medical Access Program (MAP) na katumbas ng P944,44 million pesos.

Magandang balita! Balik-ten pesos (P10.00) na ang mga Digit Lotto games ng PCSO na 2-digit, 3-digit, 4-digit at 6-digit simula July 15, 2021.

PCSO, susi sa pag-abot ng ating mga pangarap at naghahatid ng tulong at malasakit sa sambayanang Filipino sa loob ng walumpu’t anim (86) na taon.