Phreatomagmatic burst naitala sa Bulkang Taal

Phreatomagmatic burst naitala sa Bulkang Taal

December 7, 2022 @ 2:18 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules, Disyembre 7 ng maliit na phreatomagmatic burst mula sa bunganga ng Bulkang Taal.

Sa pinakahuling volcano bulletin, sinabi ng Phivolcs na ang pagsabog ay dulot ng mainit na magma na dumikit sa groundwater.

Nagtagal ang phreatomagmatic burse ng aabot sa isang minuto at nakapagtala ng plumes na may 600 metro ang taas.

Sa kabila nito, wala namang naitala na volcanic earthquakes sa naturang bulkan.

Samantala, nakapagtala naman ang Phivolcs ng average na 2,115 tons kada araw ng sulfur dioxide (SO2) sa Bulkang Taal hanggang nitong Lunes, Disyembre 5.

Nananatili naman sa Alert Level 1 ang babala sa bulkan na nangangahulugan na ito ay nasa abnormal na kondisyon pa rin. RNT/JGC