Pia at Marlon, nag-unfollow sa isa’t isa… Siwon ng SuJu, may kinalaman ba?

Pia at Marlon, nag-unfollow sa isa’t isa… Siwon ng SuJu, may kinalaman ba?

July 3, 2018 @ 3:16 PM 4 years ago


Ikinagulat ng fans at netizen ang pag-unfollow na naman nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger sa isa’t isa sa Instagram.

Sa kasagsagan ito ng pagkalat ng larawan ni Queen P, kasama ang Super Junior member at actor na si Choi Siwon.

Hinala ng ilang mga netizen, kung may kaugnayan ba ito sa nangyaring pag-unfollow ng magkasintahan sa isa’t isa.

Pero ipinagtanggol naman ng ilang fans at sinabing huwag iugnay sa problema ng mag-jowa si Siwon.

Matatandaang noong nakaraang taon din, nang unang mag-unfollow ang dalawa sa naturang social media site sa di pa malamang dahilan. (Remate News Team)