Pia, ‘daddy’ ang tawag sa jowa!

Pia, ‘daddy’ ang tawag sa jowa!

August 27, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Wala nang mas sasaya pang babae sa buong universe kundi si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

On her Instagram page, ipinaabot ng beauty queen ang matatamis na pangungusap kay Jeremy Jauncey sa kaarawan nito.

May mga larawan pa si Pia na panay pupog ng halik kay Jeremy sa pisngi nito, na ginantihan din ng huli ng sunud-sunod na halik.

Ani Pia sa kanyang heartwarming message sa nobyo, inakala raw niya noon na hindi nag-e-exist ang ganoong uri ng pag-ibig.

Pero napawi raw ang lahat ng kanyang mga agam-agam at insecurities.

Incidentally, ang kaarawan ni Jeremy ay isang

araw bago ang birthday ng ama ni Pia.

Natitiyak daw ni Pia na biniyayaan siya ng langit para may tumingin at mag-alaga sa kanya.

Sayang nga lang daw at hindi na niya kapiling ang kanyang biological father.

Pia ended her birthday message with, “I may have lost a dad but I gained a…daddy!”

January 2020 nang kumpirmahin nina Pia at Jeremy ang kanilang relasyon.

Since then ay madalas na silang magkasama sa iba’t ibang bansa para magbakasyon.

Nito lang June, proud na ipinost ni Pia ang suot niyang engagement ring. Ronnie Carrasco III