Pia dismayado sa Vape Law

Pia dismayado sa Vape Law

July 26, 2022 @ 6:02 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Senador Pia Cayetano sa nalipasang Vape Bill kaya awtomatikong naisabatas kahit walang lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pahayag, sinabi ni Cayetano na nasilip siya ng maliit na pagasa nang banggitin ni Marcos sa kanyang SONA na magiging halige ng programa ng administrasyon ang kalusugan at edukasyon.

“My heart is broken but my spirit is not,” aniya.

Kuha ni Cesar Morales

“I felt a glimmer of hope while listening to the SONA yesterday, when the President repeatedly emphasized that science will be a cornerstone of his administration’s programs, including in health and education,” anang senadora.

Dulot ng ganitong pananalita ni Marcos, umasa si Cayetano na mabe-veto ang Vape Bill dahil malinaw na sinasabi ng siyensiya na masama sa kalusugan ng tao ang produkto.

“I thought this means that the Vape Bill would be vetoed, because the science clearly tells us just how harmful these products are, while medical experts have repeatedly said how the Vape Bill masquerades as a health measure, as it really pushes for de-regulation, not regulation, and harm introduction, not harm reduction,” ayon kay Cayetano.

“To say that I am disappointed in the 18th Congress that passed the bill, and with the President for not vetoing it, will not do justice to the millions of lives that will be put in harm’s way because of the Vape Law,” giit niya.

Dahil dito, sinabi ni Cayetano na kahit nagdurugo ang kanyang puso, hindi siya nawalan ng pag-asang isusulong ang lahat ng panukalang pagpapabuti sa kalusugan at kagalingan ng mamamayan.

“My heart is broken but my spirit is not. I will never stop fighting for the health and well-being of the Filipinos, even against strong lobbies of industries and policymakers who choose to support their interests over the people,” ani Cayetano. Ernie Reyes