Pia, engaged na sa nobyo, wala pang petsa ang kasalan!

Pia, engaged na sa nobyo, wala pang petsa ang kasalan!

May 7, 2022 @ 1:43 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Engaged na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang British entrepreneur-boyfriend na si Jeremy Jauncey.

Pia took to Instagram nitong May 6, Biyernes, para sa mahalagang announcement.

Ito’y sa kabila ng kanilang summer getaway sa Amanpulo, Palawan.

Makikita sa in-upload na video ni Pia kung paano nila ine-enjoy ng nobyo ang beach at paglubog ng araw.

Never to miss ay ang mga tagpo kung saan lumalangoy siya sa beach in her white two-piece bikini.

Tinutukan pa ng camera ang suot ni Pia na engagement ring with a single diamond.

Inalayan pa si Pia ng bouquet of flowers ni Jeremy na lumusong din sa tubig.

Taong 2020 nang magsimulang mag-date sina Pia at Jeremy.

Same year din noong inanunsyo nila ang kanilang relasyon.

Congrats, Pia! Ronnie Carrasco III