Pia, ikakasal na, tinalikuran ang marathon!

Pia, ikakasal na, tinalikuran ang marathon!

March 4, 2023 @ 4:26 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach knows exactly how to manage her time.

Bilang paghahanda raw sa nalalapit niyang pagpapakasal sa nobyong si Jeremy Jauncey ay isinantabi muna ni Pia ang paglahok sa London Marathon ngayong taong ito.

Ito’y sa kabila ng katotohanang nakaplano na raw ito.

Kaso, mas pinili raw niyang maging aligaga sa paghahanda sa nalalapit na altar date nila ni Jeremy.

On her Instagram updates, kasalukuyang nasa London si Pia on a wellness break.

Sinamantala na rin niya ang makasama ang kanyang pamilya roon, thus leaving all her commitments behind.

Aminado si Pia na hindi raw niya maimadying naka-focus sìya sa London Marathon while half of her mind is on her wedding preparations.

Sa kanya kasing pagsali sa marathon ay kakain ito ng apat na oras na training, “Training and wedding combo is just too hard for me.”

Anyway, marami pa naman daw pagkakataon para lumahok sa marathon, samantalang minsan lang mangyayari na ikasal siya.

Although wala pang detalyeng inilalabas si Pia kaugnay ng kanyang kasal ay maraming pageant fans ang nakahanap ng kuneksyon sa kaso ng kapwa niya Miss Universe winner na si Catriona Gray.

Engaged na rin kasi si Catriona sa nobyong si Sam Milby.

Looks like tulad din ng kanilang reign, mas mauunang ikasal si Pia. Ronnie Carrasco III