Pia, inihayag na ang mga plano

Pia, inihayag na ang mga plano

September 21, 2021 @ 7:00 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippimes – Hinanapan ng oras ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach nitong September 19 ng oras to reconnect with her fans.

Ito’y sa pamamagitan ng kanyang vlog na may pamagat na Pia Life Update: Finally Answering Your Questions.

Isa sa mga tinalakay roon ang kanyang goals before settling down. Ito’y ang magkaroon ng sariling bahay at nagosyo.

More than seeing herself married to her businessman-boyfriiend Jeremy Jauncey, mas looking forward si Pia to becoming a mother.

Mag-iiba na raw kasi by then ang list of priorities niya.

Asked what else she wants to achieve, bago sinagot ay nagbabala muna si Pia dahil tiyak na matatawa ang kanyang mga fans, “My big what in life is being a theatre actress. Natawa kayo, ano? For sure, sasabihin n’yo, TV o movies nga, hindi ako maayos, sa theatre pa?”

Kakaibang discipline daw meron ang teatro kung saan hangang-hanga siya sa mga stage actors.

Pahabol pa sa kanyang artistic side, “Frustrated singer din ako.”

Hala, baka pagmulan na naman ito ng intriga sa kanila ng kapwa dating Miss Universe na si Catriona Gray na mahusay sa larangan ng pag-awit. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •