Pia, may mensahe kay 2021 Ms U Philippines Beatrice!

Pia, may mensahe kay 2021 Ms U Philippines Beatrice!

December 14, 2021 @ 6:03 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nanood si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ng katatapos lang na 70th Miss Universe 2021 na ginanap sa Eliat, Israel.

Sa kanyang Twitter account, nagpaabot ng mensahe ng paghanga si Pia sa kandidata ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez. Hindi man kasi nito naiuwi ang korona ay nakapasok naman siya sa Top 5.

Ayon kay Pia, malaking karangalan ang Top 5 finish ni Beatrice dahil bago ito, ang huling pagkakataong nakapasok ang kandidata ng Pilipinas sa Top 5 ay noong 2018, nang tanghaling Miss Universe si Catriona Gray.

Sabi ni Pia: “Yakap mga kababayan 2018 tayo last nag-top 5. We should be proud of Bea! #70thMissUniverse #MissUniverse2021”

Pagmamalaki pa ni Pia, “We are super proud of you Miss Philippines Bea!! Strong performance! #70thMissUniverse #MissUniverse2021”. Rommel Placente