Pic ni Lilibet, viral sa socmed!

Pic ni Lilibet, viral sa socmed!

June 7, 2022 @ 7:50 PM 3 weeks ago


Winsor, United Kingdom – Pinagkakaguluhan sa buong mundo ang kauna-unahang litrato ni Lilibet Diana Mountbatten-Windsor, anak na babae ni Prince Harry at ng misis n’yang dating aktres na si Meghan Markle.

One year old na si Lilibet, pero nitong June 6 (sa England) lang pumayag ang maharlikang mag-asawa na maglabas ng litrato ng pangalawa nilang anak. Itinaon ang paglalabas ng litrato pagkatapos magdiwang ng unang kaarawan ang paslit nu’ng June 4 sa isa sa mga hardin sa Winsor Palace, ang opisyal na tirahan ng pamilya ni Queen Elizabeth ng United Kingdom.

Ang litrato ay kuha sa Frogmore Cottage sa Windsor, kung saan idinaos ang simpleng kaarawan ni Lilibet. Mga kapamilya at ilang malalapit na kaibigan lang ang inimbita sa okasyon. May balitang dumalo sa pagdiriwang si Queen Elizabeth pero walang ini-release na litrato ni Lilibet na kasama ang Reyna.

Actually, solo picture lang ni Lilibet ang ipina-release ni Prince Harry at ng misis n’yang ang titulo ay Duchess of Sussex.

Ang litrato ay kuha ng family friend nilang si Misan Harriman na imbitado sa pagdiriwang kasama ang misis at anak nila.

Ayon sa isa sa mga reports sa Internet, “Lilibet was wearing a light blue frock and white bow on her head, [and] the red-haired toddler sat on the grass in a candid snapshot.”

Ang pulang buhok daw ni Lilibet ay gaya rin ng sa kuya n’yang si Archie. Namana nila ang pulang buhok sa ama nila.

“A highlight of the intimate gathering at Frogmore Cottage in Windsor was a cake by American baker Claire Ptak, who created the wedding cake for the Duke and Duchess of Sussex in 2018,” ayon sa isa sa mga ulat.

Binigyang-diin din sa mga ulat na ang “Lilibet” ay kuha sa palayaw ni Queen Elizabeth. Alam naman ng lahat na ang “Diana” ay galing sa pangalan ng ina ng ama nito, ang yumaong Princess Diana. Danny Vibas