Pic ni Luis, mabenta sa socmed!

Pic ni Luis, mabenta sa socmed!

November 27, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Naaliw ang mga followers at kaibigan ni Luis Manzano sa post na naka-ayos baby girl ang aktor. ‘Kaaliw din ang caption. Apat na larawan ang nilagay ni Lucky.

“Kinakabahan ako. Ito na ba, ganito itsura ni Peanut, ngayon palang, sorry @jessymendiola wowow if ever.”

Nag-comment ang kaibigan ni Luis na si Alex Gonzaga na nagkaroon ng pagkakataon na makaganti sa pambu-bully ni Luis.

Sabi ni Alex, “Oo nga! Haha, sana sumipa dugo ni Jessy.”

Laughing emoji ang comment ni KC Concepcion at natawa naman sina Jessa Zaragoza at Isabelle Daza.

Kanya-kanyang pili naman ang netizens kung alin ang maganda sa apat na larawan na ipinost ni Luis.

Hindi nawala ang comment na umandar na naman ang pagiging buwang ni Luis at may nag-sorry pa dahil sana raw ay maging kamukha ni Jessy Mendiola at Vilma Santos si Peanut. May tumawag pa sa kanyang Dora the Rat Killer.

For sure. kahit na ano’ng hitsura ng magiging first baby nina Luis at Jessy ay masaya si Ate Vi dahil magkakaron na rin siya ng apo na matagal na niyang hiniling kay Luis. Gerry Ocampo