Pic ni Rufa Mae na nakatoga ng Ateneo, nag-viral!

Pic ni Rufa Mae na nakatoga ng Ateneo, nag-viral!

July 23, 2022 @ 9:34 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Kalat na kalat na ang larawan ni Rufa Mae Quinto na nakaitim na toga na may insignia ng Ateneo de Manila University.

Nagkataong sa darating na August na magsisimula ang klase.

Marami ang hindi makapaniwala na nakatapos ng pag-aaral ang sexy comedienne batay na rin sa imahe na pino-project niya.

Pero sa mga ‘di nakakaalam, honor student si Rufa Mae noong nasa high school siya.

Sa katunayan, nagtapos siya bilang valedictorian sa St. Vincent School.

“Totoo po, I am ( sic) an honor student in high school. To be honest, ‘yung toga lang po ang joke!” paglilinaw ng Sparkle artist ng GMA.

In fairness kay Rufa Mae, hindi kasi siya ‘yung scholarly type na mag-aaral noon.

Never din kasi siyang nagseryoso sa mga interview sa kanya palibhasa nga’y sexy comedienne ang packaging sa kanya.

Lagi niyang idinadaan sa biro ang mga sinasabi niya, so who would think she graduated with honors in high school.

Minsan nang inamin ng aktres sa isang interbyu na hindi na siya nakadiretso sa kolehiyo dahil naging abala na siya sa showbiz.

Sayang, she could have been a cum laude! Ronnie Carrasco III