Pic nina BTS’ V at BLACKPINK’s Jennie na magkasama, usap-usapan!

Pic nina BTS’ V at BLACKPINK’s Jennie na magkasama, usap-usapan!

May 25, 2022 @ 9:07 AM 1 month ago


Seoul, South Korea – Mainit na pinaguusapan ngayon ng netizens ang kumakalat na photo diumano ng BTS member na si V kasama ang BLACKPINK member na si Jennie sa loob ng sasakyan.

Lalo tuloy lumakas ang ugong ng usap-usapan na dating ang dalawang superstars. Ang kumakalat na picture ay kuha ng isang netizen sa Jeju Island.

Sabi ng nag-post, “Today’s hot photo. I don’t know if they’re just lookalikes, but two top idol stars were spotted together in Jeju island.”

Matatandaan na last December when V created his IG account, napansin ng fans that he followed Jennie na agad naman niyang in-unfollow later on.

Iba-iba ang reaction ng fans sa issue. Meron natutuwa, meron din namang nagagalit, meron ding natatakot for Jennie knowing how obsessive the BTS fans are.

Hindi pa naglalabas ng statement ang agency ng dalawa to confirm or deny the issue. Paula Jonabelle Ignacio