Picasso painting sa bahay ni Imelda nagkakahalaga ng P8B: ex-PCGG official

Picasso painting sa bahay ni Imelda nagkakahalaga ng P8B: ex-PCGG official

May 13, 2022 @ 1:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Presidential Commission on Good Governance chief nitong Biyernes na ang Pablo Picasso painting na namataan sa bahay ni dating First Lady Imelda Marcos ay maaaring pumalo sa P8 bilyon ang halaga kapag ibinenta.

Napansin ng mga netizen nitong Miyerkules ang Femme Couche VI (Reclining Woman VI) painting sa mga larawan ng pagbisita ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ina.

Isa ang Picasso painting sa mga nais samsamin ng anti-graft court Sandiganbayan mula sa mga Marcos noong 2014. 

“Ang pinakamahalagang painting ni Picasso ay naibenta ng $155 million. So more or less mga P8 billion ang isang painting na ito,” ani former PCGG Commissioner Andy Bautista.

“Now siyempre hindi natin alam kung anong kalidad ‘no, anong klase ‘no pero talagang ito si Pablo Picasso, isa sa mga talagang Masters and talagang napakahalaga nitong painting na ito,” dagdag niya.

Sinabi ni Bautista na nagulat siya nang makita ang painting sa mga larawan ng dating first lady.

“I left PCGG in 2015. Pero nung pag-alis ko dyan, ang naaalala ko, is that meron pang 156 paintings na missing na kailangan pang habulin,” giit niya.

“Sana bigyan ng pansin ng mga namumuno ngayon ng PCGG, ng ating Office of the Solicitor General, kunin na natin ‘tong painting na ‘to habang meron pang panahon.”

“At maliban dyan Johnson, alam mo yung mga alahas na nakabinbin…napakahalaga nung mga alahas na ‘yan. At yang mga alahas na yan ay again pag-aari ng taumbayan kung kaya’t dapat nating protektahan at siguraduhin na ang mga alahas na ‘yan at kung yan man ay ibebenta ay dapat ibalik ang nakaw na yaman na ‘yan sa ating kabang bayan,” patuloy ni Bautista. RNT/SA