Pics ni Kendra Kramer, nag-viral sa pang-Ms U na arrive!

Pics ni Kendra Kramer, nag-viral sa pang-Ms U na arrive!

January 31, 2023 @ 4:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Viral ngayon ang mga litrato ng anak nina Cheska Garcia at Doug Kramer na si Cheska.

Pinusuan ng mga netizens ang tila perpektong mukha ng trese anyos na si Kendra.

Lahat daw kasi ng mga anggulo nito ay wala ni isang maibubutas na kapintasan.

May mga kahawig din daw ang bagong social media star.

Sa isang anggulo’y kamukha raw ni Kendra si Julia Barretto.

May mga nagsasabi ring hawig din daw siya kay Jane de Leon.

At ang pinaka-flattering sa lahat, Kendra is a deadringer for Miss Universe 2018 Catriona Gray!

To think daw na 13 years old pa lang daw ang bagets.

How much more kung sumampa na ito sa pagiging isang ganap nang dalaga?

Inaabangan tuloy ng mga netizens ang pagsali ni Kendra sa mga beauty contest.

Tiyak daw kasing may kalalagyan ito.

Kung dati-rati’y pang-beaucon ang tingin kay Liza Soberano, humawi na raw ito dahil may kapalit na siya.

Ang tanong: bet ba namang sumali sa mga beauty pageant si Kendra? Ronnie Carrasco III