Picture ng baby ni Diana Zubiri, nag-viral sa socmed!

Picture ng baby ni Diana Zubiri, nag-viral sa socmed!

December 29, 2021 @ 5:54 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang stunning beauty ng one-year-old baby ni Diana Zubiri na si Mimi.

Pinagkaguluhan ito sa Instagram post ng actress kung saan unang mapapansin ang blue eyes ni Mimi.

Aside from the eyes, nakuha rin ng gingery red hair nito ang atensyon ng netizens.

“Caption this please!

“Mimi: nakatakas lang ako sa ate ko, papunta kaming tindahan para bumili ng chicharon. Ako lang ‘to guys! Silaw sa araw!”

Caption ni Diana sa IG post na may larawan ng anak na umani ng iba’t-ibang papuri hindi lang sa netizens kundi pati sa mga kapwa artista.

Ilan sa mga hindi napigilang mapa-comment ay sina Iwa Motto, Kim Rodriguez, at Jessa Zaragoza.

Ilang minuto pa lang mula nang i-post ito ay libo-libong reacts na ang nakuha.

Anak ni Diana si Mimi sa asawang si Andy Smith na currently ay Australia based.

What a beautiful baby! #humandoll Paula Jonabelle Ignacio