Picture ni V ng BTS sa IG, naka-9M likes na!

Picture ni V ng BTS sa IG, naka-9M likes na!

August 19, 2021 @ 11:27 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

SEOUL, South Korea – Si V ng BTS K-pop band ay may kagila-gilalas na “achievement” sa Instagram: lagpas na sa 9 million ang nag-like sa isa sa mga larawan n’ya.

Hindi siya ang nag-post sa Instagram dahil wala naman siyang Instagram, gaya rin ng anim pang miyembro ng BTS. Bawal sa BTS members ang magkaroon ng solo social media account.

Mga fans ni V ang nagpo-post sa Instagram nila ng mga litrato nito. At ang pic ni V na Butter Concept Photo Version 1 ang lumagpas na sa 9M ang nag-like. Ayon sa allkpop website, ang 9M na ‘yon ay “the most-liked post by a Korean act on the platform.”

Ayon naman sa post ng fan na si Stream for Taehyung (tunay na pangalan ni V), ang record likes sa Instagram para sa mga larawan nito ay:  1 photo with over 9M likes; 2 photos with over 8M likes; 7 photos with over 6M likes; at 14 photos with over 5M likes.

Nakabibighani talaga si V!

Samantala, ang BTS pa rin ang leading boyband sa Billboard. Ang latest music video nilang Permission to Dance ay ilang araw ng number 1 sa Billboard. Maraming araw rin na pati ang numbers 2 and 3 ay mga music video nila.

Mukhang pati ang The Beatles na leading boyband sa buong mundo nung 60s and 70s ay matatalbugan na rin nila kahit dalawa o tatlo pa lang ang kanta ng BTS na nasa Ingles. Mas marami pa rin silang Korean songs kesa Ingles. Danny Vibas


  •  
  •  
  •