Pigcawayan, Cotabato binaha sa ITCZ

Pigcawayan, Cotabato binaha sa ITCZ

November 28, 2022 @ 10:14 AM 2 months ago


MANILA,Philippines- Ilang kabahayan at isang tulay sa Pigcawayan, Cotabato ang napinsala sa baha dulot ng malakas na pag-ulan bago nitong Linggo.

Ang apektadong barangay ay ang Kimarayag.

Nakalikas naman ang mga residente, subalit ilan sa kanilang mga alagang hayop ang tinangay ng baha, ayon sa ulat nitong Lunes.

Wala namang naiulat na nasawi o nagtamo ng sugat.

Inihayag ng PAGASA na ang naranasang pag-ulan sa Mindanao nitong Linggo ay dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ). 

Patuloy na nakaaapekto ang ITCZ sa Mindanao ngayong Lunes, at magdudulot ng Mmaulap na kalangitan na sasabayan ng rain showers at thunderstorms sa Eastern Visayas at Caraga, base sa weather forecast ng PAGASA. RNT/SA