Pilipinas, 15 pang bansa bawal pumasok sa Bahrain

Pilipinas, 15 pang bansa bawal pumasok sa Bahrain

July 14, 2021 @ 10:38 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pinagbawala ng Bahrain ang pagpasok ng mga byahero mula sa 16 na bansa kabilang dito ang Pilipinas, ayon sa  state news agency.

Sinabi ng Bahrain civil aviation affairs na kabilang ang mga bansang Pilipinas, Tunisia, Iran, Iraq, Mexico, south Africa at Indonesia ang pinatawan ng travel ban dahil pa rin sa coronavirus concerns, ayon sa ulat ng BNA.

Ang mga nasabing bansa ay lumagapak sa ‘red list’ noong Mayo, kabilang na ang India, Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh, at Nepal.

Pwede namang pumasok ang mga residente na may valid residency visas. RNT