Pilipinas Aguilas bronze sa Filbasket International Championship

Pilipinas Aguilas bronze sa Filbasket International Championship

November 2, 2022 @ 8:48 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inangkin ng Filipino team na Pilipinas Aguilas ang bronze medal sa Filbasket International Championship matapos talunin ang Malacca Basketball Club, 81-72, sa torneo na ginanap sa MABA Stadium ng Malaysia noong Linggo.

Hinila ni Mac Baracael ang Aguilas sa Malacca na may 24 puntos, habang ang dating NCAA MVP na si Prince Eze ay may 12 puntos sa ikatlong puwesto.

Samantala, tinalo ng Filipino-coached Malaysian team na Harimau Malaysia ang Kuala Lumpur Aseel para makuha ang korona.

Ang Harimau Malaysia, na pinangungunahan ni Filipino Jeff Viernes, ay tinalo ang Kuala Lumpur Aseel 87-68 sa finals. Pinangunahan ni Ong Wei Yong ang Harimau Malaysia na may 16 puntos, habang si Ting Chun Hong, na hinirang bilang tournament MVP, ay may 15 puntos sa three-of-four triples.

Ang Filbasket International Championship ay ginanap mula Oktubre 23 hanggang 30 sa Malaysia kung saan 10 koponan mula sa Southeast Asia ang naglaban-laban para sa titulo. Bukod sa Aguilas, naglaro din sa torneo ang Philippine teams na BGC Builders at Makabayan Warriors.JC