Pilipinas at UN sanib-pwersa vs terorista, kriminal

Pilipinas at UN sanib-pwersa vs terorista, kriminal

July 8, 2021 @ 4:26 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Lumagda ang Pilipinas at UN Office of Counter-Terrorism (UNOCT) ng memorandum of understanding kaugnay ng pag-detect ng biyahe ng mga terorista at mga kriminal.

Sa ilalim ng Countering Terrorist Travel Program, ang mga bansang miyembro nito ay tutulungan sa pagtatatag ng kakayahang makatukoy at makaharang ng mga terorista at kriminal, at mapalakas ang pagpapalitan ng impormasyon alinsunod sa umiiral na batas at human rights standards.

“Critically, this will allow the United Nations to assist the Philippines to identify and address evolving terrorist and criminal threats within both the air and maritime environments,” paliwanag ni UNOCT under-secretary-general Vladimir Voronkov.

Binibigyang-diin din sa programa na lahat ng counter-terrorism measures ay dapat na sumunod sa mga obligasyon nito sa ilalim ng international law, partikular sa international human right law, international humanitarian law at international refugee law.

“The UN values its continued dialogue with the Government of Philippines in this regard, and looks forward to continued engagement to ensure that a solid and holistic framework is in place for the human rights-based, effective and coordinated implementation of programs preventing and countering terrorism and violent extremism,” sabi naman ni UN Philippines Resident Coordinator Gustavo Gonzalez.

“With the establishment of this strategic partnership… the Philippines will be in a better position to implement its roadmap to build its detection capacities and to contribute to the global effort to counter terrorist travel,” ani Ambassador Enrique Manalo.

Ang Pilipinas ay kabilang sa 42 benificiary member-states na susuportahan sa ilalim ng CT Travel Program na pinondohan ng mga kontribusyon mula sa Netherlands, European Union, United States, Qatar, Australia, Germany, Japan, India, at Hungary.

Noon lang nakaraang taon nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Act sa kabila ng malawakang pagtutol dito dahil sa dumaraming insidente ng red-tagging. RNT