Pilipinas bilang ‘shining beacon ng gender equality’ ipinagmalaki ni Duterte

Pilipinas bilang ‘shining beacon ng gender equality’ ipinagmalaki ni Duterte

March 8, 2022 @ 1:27 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami pang magagawa ang Pilipinas para bigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihan at unahin ang kanilang kapakanan.

Tinukoy ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng mga kababaihan sa nation-building.

Sa naging pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa pagdiriwang ng International Women’s Day, sinabi ng Chief Executive na “proud” siya na kinilala ang bansa bilang “shining beacon” ng gender equality, naipakita sa pamamagitan ng kapangyarihan at impluwensiya ang mga kababaihan sa komunidad, workplaces, at sa politika.

“While a growing consciousness on equality is already an impressive feat, I believe that we can do more,” ayon sa Pangulo sabay sabing wala kahit na isa ang maiiwan.

“As we gain more access to education, information, and innovation, more women will have the chance to meaningfully participate in many aspects of human development and change the mindsets that continue to put women and other gender expressions at a disadvantage,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang, kinastigo ang Pangulo sa kanyang pangmamaliit sa gampanin ng mga kababaihan o gawin ang mga itong katatawanan o biro na para sa mga kritiko ay “misogynistic.” Kris Jose