Pilipinas ‘di Filipinas; Pilipino ‘di Filipino – KWF

Pilipinas ‘di Filipinas; Pilipino ‘di Filipino – KWF

July 30, 2021 @ 7:56 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Itinuro ng bagong pamunuan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na Pilipinas ang dapat na baybay o basa sa pangalan ng bansa at hindi “Filipinas.”

Ayon kay KWF Commissioner Arthur Casanova, ang pagbabalik ng gamit na “P” sa Pilipinas ay napagkasunduan sa ginawang pagpupulong ng mga opisyal ng komisyon.

Saad pa nito, Pilipino ang dapat na baybay sa pagtukoy sa mamamayan at kultura ng Pilipinas habang Filipino naman kung lengguwahe o wika ng bansa.

Iginiit din ni Casanova ng nakasaad sa Artikulo 16 ng Saligang Batas na nagsasabing: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”

Bukod pa rito, sinabing binanggit sa panimula o preambulo sa Saligang Batas ang “sambayang Pilipino” na “P” bilang pagtawag sa mga mamamayan. RNT/FGDC