Pilipinas dumausdos sa ika-59 pwesto sa 2022 Global Innovation Index

Pilipinas dumausdos sa ika-59 pwesto sa 2022 Global Innovation Index

September 30, 2022 @ 8:58 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumwesto sa ika-59 na ranggo ang Pilipinas sa 2022 Global Innovation Index (GII).

Sa kabila ng pagkilala bilang ‘performing best’ sa business sophistication ng World Intellectual Property Organization’s (WIPO), bumaba naman ng walong pwesto ang Pilipinas mula noong nakaraang taon.

Kinilala pa rin naman ng WIPO ang Pilipinas bilang isa sa middle-income economies na may “fastest innovation catch-up to date” kasama ang China, India, Iran, at Vietnam.

Idinagdag ng GII na ang ‘weakest performance’ ng bansa ay nasa institusyon.

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. na ang ahensiya ay ‘fully committed’ para patakbuhin ang local industry para maging matagumpay sa pamamagitan ng investments sa “science and technology facilities and laboratory networks” para suportahan ang productivity ng local industry.

“DOST funded R&D (research and development) facilities and laboratories with an active nationwide network for the development of industry and programs for digitalization, sustain the industry’s efforts for a more streamlined and efficient process,” sinabi naman ni DOST Assistant Secretary Leah Buendia.

Ngayong taon, ang Pilipinas ay nasa ika-5 ranggo sa hanay ng 36 lower-middle-income group economies, “a notch down” o bumaba rin ng isang pwesto kumpara sa 2021 ranking.

Ang bansa ay nananatili naman bilang 11th mula sa hanay ng 17 economies sa South East Asia, East Asia, at Oceania.

“The Philippines’ Innovation Inputs dipped from 72 in 2021 to 76 in 2022 and Innovation Outputs from 40 in 2021 to 51 in 2022,” ayon sa ulat.

Ayon naman sa DOST, ang mababang rank ngayong 2022 ay bunsod ng ‘decreased performance scores’ sa Knowledge and Technology Outputs kung saan ang pangunahing trabaho ay “knowledge creation, knowledge impact, at knowledge diffusion.”

Ang GII ranks world economies ay base sa innovative capabilities, at kinokonsidera bilang innovation inputs at outputs ng bansa.

Ayon sa WIPO, “the GII tracks the most recent global innovation trends against the background of the coronavirus pandemic, slowing productivity growth, and other evolving challenges.”

Nasa 132 bansa ang sinuri. Kris Jose