Pilipinas, humakot ng 33 na medalya sa Bulgaria

Pilipinas, humakot ng 33 na medalya sa Bulgaria

July 10, 2018 @ 8:24 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Humakot ng 33 na medalya at awards ang mga pambatong estudyante ng Pilipinas sa ginanap na Bulgaria International Mathematics Competition (BIMC) sa Burgas, Bulgaria.

Nakatanggap ng gintong medalya si Ethan Jared Chan (British School Manila) habang sina (Philippine Science High School-Main), John Florence Dizon (Calamba Elementary School), Lance Heinrich Lim (Saint Jude Catholic School), at Stephen James Ty (Zamboanga Chong Hua High School) naman ay nakapag-uwi ng silver medals.

Ayon kay Chan, hindi niya raw inaasahan na siya ay makatatanggap ng gintong medalya at sinabi pang inaalay niya ang kaniyang panalo sa, “Father God who guided me, to my family and friends, and coaches at MTG (Mathematics Trainers Guild Philippines) and British School Manila.”

Labing-isa pang estudyante ang nakakuha ng bronze medal sa kompetisyon. Sila ay sina Sean Kendrick Yeo (PACE Academy), Armea Helena Sien Dimayacyac (Notre Dame of Greater Manila), Frederick Ivan Tan (Philippine Science High School-Main), Gregory Charles Tiong (Saint Jude Catholic School), Naomi Anne King (Saint Jude Catholic School), Maria Monica Manlises (St. Stephen’s High School), Ralde Anuel Bautista (MGC New Life Christian Academy), Sarji Elijah Bona (Palawan Hope Christian Academy), Sted Micah Cheng (Hope Christian High School), Vanessa Ryanne Julio (Saint Jude Catholic School), at Justin Teng Soon Khoo (Regional Science High School III).

Merit awards naman ang naiuwi nina Dillion Keller Chan (UNO High School), Alexandra Brianne Gochian (Saint Jude Catholic School), Krystal Lim Tiong Soon (Grace Christian College), Ambrose James Torreon (Rainbow of Angels), Benjamin Jacob (St. Philomena Academy of Lipa), Dominic Lawrence Bermudez (Philippine Science High School-Main), Annika Angela Mei Tamayo (Ateneo de Iloilo), Angelene Erika Madrazo (Zamboanga Chong Hua High School), at Trisha Danielle Sia (Chiang Kai Shek College).

Sa ginanap na BIMC na idinaos noong July 1 hanggang 6, ang mga estudyante ay sinamahan ng kanilang MTG team leaders na sina Dr. Simon Chua, Dr. Isidro Aguilar, Dr. Jonathan Glorial, Minerva Avecilla, Arvie Ubarro, at Renard Eric Chua.

“Filipino students showed great performance in the contest and we are proud of their latest achievement. They trained hard for the competition,” sabi ni Aguilar, president ng MTG sa isang statement.

Sa kabilang dako, ang Philippine Team B naman sa high school na kinabibilangan nina Abad, King, Manlises, at Ty ay nanalo sa championship sa isang group contest at nakatungtong sa second runner-up sa team contest.

Sina Bermudez, Julio, Khoo, at Tamayo naman ang first runner-up sa team contest, habang si Madrazo naman ay nakuha ang first runner-up bilang parte ng International Girls’ Team A.

Ang Second runner-up placers sa team category ay kinabibilangan naman nina Jence Enrico Dela Fuente (Ateneo de Naga University Grade School), Benn Jethro Sia (Kong Hua School), Marco Erano Dumale (De La Salle University-Laguna, Dillion Keller Chan, Ethan Jared Chan, Yeo, Dimayacyac, Dizon, Jacob, Lim, Tan, Tiong and Sia.

Bukod sa Pilipinas at Bulgaria, ang iba pang nakilahok sa ngayong taong BMIC ay mula sa Australia, Canada, China, Cyprus, Hong Kong, India, Indonesia, Iran, Kazakhstan, South Korea, Macau, Malaysia, Mexico, Nepal, Netherlands, Romania, Russia, South Africa, Sri Lanka, Taiwan, Tajikistan, Thailand, Ukraine, Uzbekistan, Vietnam, at Zimbabwe. (Remate News Team)