PILIPINAS KAYANG IBANGON NI PBBM SA PAGKAKALUGMOK

PILIPINAS KAYANG IBANGON NI PBBM SA PAGKAKALUGMOK

June 29, 2022 @ 7:51 PM 2 months ago


Kumpiyansa, mga tol,si inco­ming President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na kakayanin ng bansa ang mga pagsubok na dala ng pandemya.

Aminado si Pangulong BBM na sa tulong ng sambayanan ay unti-unting makababangon at ma­karerekober ang ating bansa sa pagkalugmok ng ekonomiya.

“Malakas po ang loob ko sa ating kinabukasan, kahit po marami po tayong nakikita na hahad­lang sa ninanais nating pagandahin ang Pilipinas. Malakas po ang loob ko na magsabi na meron pa rin tayong maliwanag at magandang kinabukasan at nasasabi ko po ‘yun dahil nasa likod ko ang la­hat Pilipino,” ayon kay Pangulong BBM sa ika-10 taon nang pagkakatatag ng Bacoor City.

Ipinaliwanag ni BBM na ang pagkakaroon niya ng lakas ng loob ay dahil sa suporta ng 31M bumoto sa kanya noong naka­raang eleksyon kaya kampante siya na maaayos o magagawa ito para sa bayan .

“Nasa likod ko ang lahat ng ating mga kababayan, lahat ng nagmamahal sa Pilipinas at nari­nig po ang tinig ninyong lahat na magkaisa, ang tinig ninyong lahat na tayo ay ipagbuklod natin ang galing ng Pilipino. ‘Yan po ang gagawin natin,” ani BBM

Bukod dito, binigyang-pansin din ni Pangulong BBM  ang taglay na kakayanan ng mga Pilipino na humarap sa lahat ng mga pagsu­bok at magtagumpay.

“Sa galing ng Pilipino, sa sipag ng Pilipino, makikita po natin, aahon ulit tayo, gaganda po ang ating kabuhayan sa tulong po ninyo,” ani BBM.

Ang pahayag na ito ni BBM ay kasabay ng panawagan sa mga mamamayan na ipagpatuloy ang pagkilos tungo sa pagkakaisa na pinasimulan noong panahon ng pangangampànya!

“Ipagpatuloy po natin ang si­nimulan ninyo, nu’ng kampanya. Ang taaumbayan na ang namuno sa pagkakaisa. Ipagpatuloy po natin ‘yan, at ako po ay nandito na inyong abang lingkod.

“Marami po ang kailangan nating gawin, ngunit sa tulong ninyo, sa pagkakaisa ninyo, sa ating pangarap na pagandahin ulit ang buhay ng Pilipino, itong ating pa­ngarap na maging mas maayos, mas mapayapa, at mas maganda ang ating buhay ay magiging totoo kapag tayo ay nagkaisa,” ani Pang. Marcos.

Mày mga indibiduwal at mga samahàn aniya na lumalapit sa kanya na nag-aalok ng tulong para mapalawig ang tulong sa bansa.

“Marami pong gustong tutulong sa atin, marami po akong nakita at nakausap ngayon na mga Pilipino, na ngayon ay lumalapit at nagsasabi na nais nilang tumulong” ani Marcos.

O ano pa masasabi ninyo sa ating bagong Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.