Pilipinas kulang ng 106,000 nars

Pilipinas kulang ng 106,000 nars

September 30, 2022 @ 7:51 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kulang ang medical workers sa bansa.

Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) kasabay ng paggiit na dapat punan ang pagkukulang na ito.

Sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na nasa 106,000 nurse  pa ang kailangan ng Pilipinas  sa mga pribado at pampublikong ospital.

Kulang din umano ang mga doktor, pharmacists, radiologic technologists, medical technologists, occupational therapists, physical therapists, midwives, at mga dentista sa bansa.

Sa ngayon ayon kay Vergeire ay mayroon mga plantilla positions na kailangan pa ring punan sa mga ospital.

“Nananawagan po tayo sa ating mga kababayan na our nurses here in the country, midwives in the country, our dentists, and other healthcare professionals, meron tayong vacant na plantilla positions para ma-hire namin kayo,” panawagan ni Vergeire.

Kasabay nito, hinikayat ni Vergeire ang mga interesadong aplikante na makipag-ugnayan sa Human Resources Bureau ng DOH para maiproseso ang kanilang mga dokumento.

Sinabi ni Vergeire na ang pangingibambansa ng karamihan  ang dahilan ng kakulangan ng mga health care workers sa mga pasilidad sa bansa kaya umaasa Ito na ang deployment cap ay mananatili pa rin habang may kakulangan pa ang produksyon sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden